Seven months na pala ako dito sa Qatar, parang kelan lang nung umalis ako ng Pinas. Sobrang bilis talaga ng panahon at ilang buwan nalang at pwede na akong magbakasyon.
Dati nagbibilang ako ng mga araw pero feeling ko lalong bumabagal ang panahon and besides nakakapagod magbilang ng araw hehehe, kaya ayun hindi ko namalayan na nakalahati ko na pala ang taon!
Nung una akala ko magiging mahirap ang buhay ko dito, siyempre ibang bansa ito malayo sa nakasanayan kong mundo. Major adjustment ang ginawa ko lalong lalo na sa klima. pero mga two weeks lang ata at naka pag adjust na ako, siguro talagang madali lang sa akin ang makapag adapt ng new environment.
Sabi ko before ako umalis ng Pinas ay lilibutin ko ang Qatar, well sa liit ba naman ng bansang ito imposible atang hindi ko yun magawa, kumbaga para ka lang nag city tour. Second day ko pa lang dito ay naka pag mall na agad ako, ganun kalakas ang loob kong mag libot pero may kasama ako siyempre.
Nung unang dating ko, hindi ko nagusuhan ang location ng villa namin. Malayo sa kabihasnan, mahirap ang transportasyon dahil halos mga tao dito ay may kanya-kanyang sasakyan, at talagang ramdam mo na nasa disyerto ka talaga.Walang pwedeng maging libangan, may tv nga kaso puro arabic ang channel, tpos since wala pa akong laptop noon wala akong pedeng gawin kapag day off kundi kumain at matulog lamang.So far never akong na homesick at never din akong nakaranas ng lungkot marahil siguro alam kong i divert ang anxiety sa ibang bagay tulad ng malling. Kahit malayo ako sa mga malls, hindi naging mahirap sa akin ang mag shopping.
Masaya naman ang buhay ko dito, na e-enjoy ko naman at kaylangang i-enjoy. Akala ko ang mga bagay na ginagawa ko sa pinas ay hindi ko magagawa dito tulad ng pagpunta sa mga bar at uminom. Pwes, simula nung ma release ang residence permit ko ay naging madalas ang pagpunta ko sa mga bar, ang akala ko ay tuluyan nang magiging boring ang life ko dito at buti nalang kahit papano ay nagagawa ko pa rin ang lifestyle ko dito.
Hindi naging problema ang distance ko sa aking pamilya at kaibigan (puwera na lang sa love life), salamat sa modern technology, it keeps my loved-ones closer to me at kahit papano ay updated ako sa mga nangyayari sa Pinas.
Marami na rin ang mga pinoy dito, parang nasa pinas ka lang din lalo na pag nasa mall ka na halos mga pinoy ang mga makakasalubong mo. Nagsimulang dumami ang mga pinoy dito nung 2005 at ngayon ay hindi na mabilang ang dami nila. Isa rin yun siguro sa mga dahilan ay kung bakit hindi ako na home sick, feeling ko wala ako sa ibang bansa. Sa mga groceries at supermarket, mga sales lady at waiters ay mga Filipino rin kaya at home na at home ako dito. May mga Filipino restaurants din at nakarating na rin dito si Jollibee at meron na rin Chowking.
Sa trabaho ko, marami akong nakikilalang tao, iba't-ibang lahi, marami na rin akong nakilalang mga pinoy, ang hindi ko na lang nakikila ay ang taong aking mamahalin char! (may ganun talaga?) Masuwerte na rin ako at maayos ang naging kalagayan ko dito, sa trabaho naman hindi ako masyadong pressured so thankful talaga ako.
Sana tuloy tuloy nalang ang ganitong buhay ko dito sa Qatar, kahit malayo eh enjoy naman ako and besides mukhang gusto ko na rin naman dito. I just hope yung remaining months ko dito bago ako mag isang taon ay lalo pang maging masaya, at lalong magiging masaya kung mahahanap ko na SIYA (at talagang isingit ba?)