Bukas na ang release ng visa ko from Qatar Embassy at bukas ko rin malalaman ang departure date ko. Nalalapit na talaga ang aking pag-alis. Isang buwan din akong na bakasyon simula nung magresign ako sa work, medyo nainip ng konti dahil ang iba kong mga kasabay ay nauna na dun, pero okay lang dahil sa isang buwan ay nagawa ko ang mga dapat kong gawin. Nakapag pahinga din ako nang husto dahil pag nagkataon ay after a year pa ulit ako pwedeng magbakasyon, kaya tama lang. Nagawa ko ring makipag kita sa aking mga kaibigan, halos lahat nalulungkot sa aking pag alis, yung iba gusto ring sumunod sa akin doon. Nakapag impake na rin ako, ready na ang mga gamit na aking dadalhin at tiniyak kong wala akong nakalimutan, kahit isang bagay lang lalo na yung mga may sentimental value. Naging emosyonal ng konti habang inaayos ang mga gamit ko lalo na ilang araw na lang at tuluyan nang mababakante ang kwarto ko, (ma mimiss ko yun for sure).
Sa ngayon, nakakaramdam ako ng excitement, pero hindi ko rin maiwasan ang malungkot :-(
good luck sa bagong work! =)
ReplyDeleteit was the same feeling when my closest cousin went overseas..
thnks jp
ReplyDeletegoodluck sau,sana mag enjoy ka dito sa qatar...
ReplyDeletethanks mac...im sure i will
ReplyDelete