Hindi ako mahilig uminom ng energy drinks dahil siguro hindi ko naman ito kailangan kahit sabihin nating minsan nakakaubos ng lakas ang toxic na trabaho. Pero minsan ko nang sinubukang uminom noong ako'y nagtatrabaho sa isang BPO company at panggabi ang shift ko, ngunit iyon ay paminsan-minsan lang kapag kailangan kong mag double shift. Ngunit hindi ako kagaya ng iba na regular kung uminom at minsan kailangan pang itimpla ito dahil ang iba ay yung nasa pakete ang binibili.
Marami-rami na rin ang naglabasang mga energy drinks, nariyan na ang lipovitan, red bull, extra joss, bacchus at kung anu-ano pa. Dati nga nagkaroon pa ako ng konsepto na isa kang "macho" kapag umiinom ka nito dahil na rin sa mga tv ads na napapanood ko na kadalasan mga "macho men" ang mga nageendorso. Ngayon parang naging pangkaraniwang inumin nalang ang mga ito na dati rati'y mga gym-goers at mga construction workers lang ang umiinom nito.
Isa sa mga popular ngayon na energy drink ay ang COBRA. Sa pangalan pa lang ay swak na swak na para sa isang energy drink marahil na rin siguro ang cobra ay ang "king of snakes" at ang dugo nito ay pinaniniwalaang nakakagamot at nagbibigay stamina at ang ilan pa ay nagsasabing may taglay itong "aphrodisiac."
Nakuha ng cobra ang panlasa ng maraming pinoy dahil na rin sa tag line na "tunay na lakas" at talaga namang ramdam ang lakas at tama nito kapag ito'y nasubukan. Tinalo niya ang ibang energy drinks dahil sa ito'y abot kaya at mabibili sa halos lahat ng tindahan.
Ano ba ang lasa nito at ito'y biglang naging patok? Minsan, may mga construction workers malapit sa amin ang nakikita kong umiinom nito sa twing sila'y kakain ng merienda. Naisip ko na talagang kailangan nila ito dahil sa bigat ng trabaho nila.Ngunit may iba naman akong nakikitang bumibili nito na parang softdrinks lang kung ito'y bilhin sa tindahan .kaya't ako'y na curious kung ano ang lasa nito.
Dahil may tindahan naman kami at anytime ay pwede akong kumuha, sinamatala ko ang pagkakataon para subukan ito at uminom ako ng isang bote. Aba masarap pala siya! Hindi masama ang lasa at sa tingin ko tama lang ang timpla niya. Hindi ko maikumpara ang lasa sa iba dahil hindi ko naman nasubukan ang ibang energy drinks, basta para sa akin masarap siya at pumasa siya sa mapanuri kong panlasa.Subalit wala akong naramdamang kakaiba pagkatapos kong ubusin ang isang bote, parang umubos lang ako ng isang softdrinks kaya naman uminom pa ako ng isang bote hanggang sa maka 3 bote ako na sinabayan ko na rin ng mani, yun nga lang hindi ako nakatulog ng buong gabi at marahil yun na ang naging epekto sa akin. Madali naman kasing ubusin ang isang bote kaya keri pa rin na sundan pa ng isa, feeling ko nga mas masarap pa siya sa mountain dew lalo na pag super lamig ito hehehe.
Dahil nasubukan ko ang lasa nito, ako ay nawili sa paginom. Naging madalas ang paginom ko nito, sa umaga, sa hapon at sa tuwing ako'y nauuhaw. Naging instant thirst quencher na siya sa akin at feeling ko parang softdrinks na siya kung ito'y aking inumin. At infairness mas masarap siya kapag sinabayan mo siya ng mani, naku panalo talaga. Parang gusto ko na siyang gawing substitute sa sanmig light promise, at least ito hindi siya nakakalaki ng tiyan.
Pero like any other energy drinks nakaka-adik daw ito dahil sa drug content nito. Mukhang totoo nga at ako'y naadik na lalo na't isang bukas lang sa ref at tatambad na agad sa akin ang inuming ito.Ang nakakatawa pa nito ay maging mga batang naglalaro sa amin ay umiinom din nito. Nakakatawa kasi naka plastic pa kung inumin nila ito at parang umiinom lang talaga sila ng softdrinks at tapos balik laro ulit sila.
Dahil nagsisimula na akong maadik dito, bigla kong naisip na baka may maging masamang epekto ito sa aking kalusugan at dahil diyan ay nagsaliksik ako sa posibleng maging epekto nito sa akin.
According to men's health magazine, energy drinks claim to provide people with increased energy levels that will keep them active & alert.
Most energy drinks contain at least as much caffeine as a standard eight-ounce cup of coffee (~80mg). To put it into perspective, a 12oz. soda contains 18-48mg of caffeine. In addition to large doses of caffeine, energy drinks contain excessive amounts of sugar & legal herbal stimulants.
I also found out the contents of energy drinks and men's health magazine listed common ingredients.
• Ginseng – A root that is believed to help reduce stress and increase energy levels.
• Carnitine – An amino acid that helps to metabolize fatty acids.
• Gingko Biloba – Created from the seeds of the gingko biloba tree, it has been shown to enhance memory.
• Taurine – A natural amino acid produced by the human body. It helps to regulate normal heart-beats and muscle contractions. Its effects on people when consumed as a drink additive remain unclear.
• Inositol – A member of the B-complex Vitamin that assists in the relaying of messages between cells. Inositol is not a vitamin itself.
• Guarana Seed – A stimulant that grows in Brazil & Venezuela which contains high levels of caffeine.
Given this list of ingredients, it is fairly easy to see that energy drinks are a deceptive combination of soft drink and psuedo-nutritional supplement, kaya pala parang softdrinks lang ito. And what makes energy drinks addictive? it's because of the caffeine found in it just like coffee, so when abused it can make you have anxiety attacks, heart palpitations, and insomnia.
Good thing my friend told me about the bad effects that it will cause me when taking energy drink regularly. I also found out that when consumed in large or regular quantities, caffeine can also make you jittery or irritable. As a diuretic, caffeine causes your kidneys to remove extra fluid from your body. If you consume energy drinks while sweating, these effects can be particularly dangerous because you can become severely dehydrated quickly.
With what I found about energy drinks , i will now stop drinking cobra, mahirap na baka malagay pa sa risk ang health ko.