It's been months na since my last entry ko dito sa blog na ito, muntik ko nang makalimutan password ko hehehe. I've been too much busy the past few months, sa work, sa lalake at sa iba pang mga bagay hehehe, in short tinamad na akong magsulat hehehe.
Well anyway now I'm in the mood for writing again, buhayin muli ang namatay kong blog hehehe.
Mag iisang taon na ako dito sa Qatar, ilang linggo nalang ang bibilangin ko, dati eto yung mga araw na hinihintay kong ma release ang visa ko. Ang bilis talaga ng panahon, para lang akong nakatulog nang mahimbing. Akala ko magiging mahirap para sa akin ang mag abroad. Kahit wala akong mga kakilala dito ay sumugod pa rin ako, pero in God's grace, naging okay naman ang buhay ko at na enjoy ko naman.
Ngayon eto nga't mag-iisang taon na ako at malapit nang magbakasyon. Iniisip ko if tatapusin ko nlng ang isang taon dito at mag reresign na or bibigyan ko pa ang aking sarili ng isa pang taon. Hindi naman sa ayaw ko na dito sa Qatar, it just so happened na hindi ko nalang gusto ang company ko. Nakaka frustrate lang kase ang sahod tapos ang hirap pa ng trabaho ko. Iniisip ko kase na parang magsasayang lang ako ng oras if magtatagal ako dito kesa sa humanap ng mas magandang trabaho. Gusto ko na sana dito, kaya lang hindi masyadong sinuwerte sa company. Marami ring mga pinoy at hindi lang mga pinoy kundi ibang lahi din ang hindi na satisfied sa company kaya ganun na lang karami ang mga nagreresign taon taon.
Ang balak ko kase is mag cross country sa UAE, so instead na uuwi ng pinas ay direstso nalang sana ako dun at maghanap ng trabaho. Ang hirap kasing mabakante ngayon at nkakapagod magsimula sa umpisa. ayaw ko nang mag trabaho sa pinas dahil mas nakakalungkot yun. Kaya ngayon, pinag iisipan kong mabuti ang desisyon na aking gagawin.
Nakapag desisyon na akong dina muna magbabakasyon this september, pero nag dadalawang isip pa ako if magreresign ako or hinde.
No comments:
Post a Comment