Minsan dahil sa pangarap kailangang magsakripisyo para maabot lamang ito. Kahit gaano kahirap, kailangang magtiis. Sabi nga nila "walang mahabang daan para sa taong may nais marating."
Hindi ko inakala na darating ang araw na kailangan kong lisanin ang mga taong naging malapit sa akin. Mga taong naging parte ng aking buhay. Ngunit sa aking paglisan bitbit ko ang mga alaalang aking naipon dito. Mga masasayang alaala ng mga kaibigan at mga naging katrabaho. Mga alaalang aking babalik-balikan sa tuwing ako'y nalulungkot.
Maraming salamat sa mga taong nagpapalakas ng aking loob, sa mga taong nagsasabing " kaya ko ito." Hindi naging madali para sa akin ang desisyong ito, ngunit dahil sa suporta ng mga kaibigan naging malakas ang loob ko.
Ilang araw na lang at ibang landas na ulit ang aking tatahakin. Panibagong pagsubok ang aking haharapin at alam kong hindi magiging madali ang aking buhay sa ibayong dagat. Ngunit ako ay handa na para sa panibagong buhay at pakikipagsapalaran. Nawa'y huwag akong biguin ng aking mga pangarap at sana ako'y maging matagumpay sa aking pagbalik.
Lumilipas ang panahon
Kabiyak ng ating gunita
Ang mga puno't halamanBakit kailangang lumisan?
Pana-panahon ang pagkakataon
Maibabalik ba ang kahapon?
Aja!
good luck sa nalalapit mong pangingibang bansa :D
ReplyDeletekaya yan and i know you'll do good! =D
thnks lee...hope everything will turn good.
ReplyDeletetuloy na ito!
ReplyDeleteparang kelan lang ganyan din napi feel ko!kaya yan,lakasan lang ng loob!gowwwww!hehe