Friday, August 27, 2010

SA CR AKO KUMAIN!

Dahil Ramadan ngayon dito, lahat ng muslim ay nag aayuno kapag umaga, meaning bawal silang kumain at uminom. Dito sa office namin sarado ang pantry kaya naman sa aming non muslim, there is no other place to eat. Alas sais pa kasi ng gabi binubuksan ang pantry after ng iftar. So kung pang umaga ka it's either hindi ka iinom at kakain ng buong umaga. Pero siyempre hindi ata kaya yun dahil maduduling ka sa sobrang gutom, kaya naman ang ating mga kababayan dito sa office ay kanya kanya ang paraan para lang makakain. Yung iba kumakain sila ng heavy breakfast para hindi masyadong gutumin sa buong duty nila. Pero ang iba hindi pa rin maiwasan ang magutom kaya nagdadala sila ng pagkain na pwedeng kainin nang mabilisan. Kaya ayun sa CR sila kumakain nang patago dahil mahirap na pag nahuli.

Ako since sa ibang office naka assign kaya malaya akong nakakakain at hindi na kailangan pang mag tago. Pero itong araw na ito dahil sa head office ako na-assign at pang umaga pa, ayun sa sobrang gutom ay kumain ako nang patago sa CR. Buti nalang at bagong linis iyon at walang gumamit kung hindi kawawa ako. Grabe ang feeling kasi para kang katulong na hindi pinapakain at kailangan mo pang magtago sa banyo para lang wag mahuli hehehe. Buti nalang at medyo madaling kainin ang baon ko kaya pasimple ko itong kinain.

Nakakatakot lang kasi baka mahuli. Kamakailan lang meron ditong pinoy na guard na nahuling naninigarilyo. Ang malas pa niya at ang CEO pa namin ang nkahuli sa kanya. Ang balita ay pinateterminate siya ngunit parang ayaw ng HR. Ayun nalaman nalang namin na nakakulong na pala siya at pagkatpos na ng ramadan dun siya palalayain. Nakaka-awa naman siya, sana nag ingat na lang siya dahil isang mortal sin ang mahuling kumakain at umiinom lalo na ang naninigarilyo kapag buwan ng Ramadan.

2 comments:

  1. ganun?buti kami allowed kumain sa staff room,sinasara lang namin,di pinapakita sa kanila and alam ng mga muslims na nakain kami sa loob.

    they just have to respect na di kami muslim and they know it.

    jusko di kita maimagine na parang magnanakaw na nakain sa banyo!haha!

    ReplyDelete
  2. ay correct. sa amin bawal, sarado ang pantry kapag umaga.

    ReplyDelete