Maaga akong pumapasok sa office at madalas dun na ako kumakain ng breakfast ko. Isang araw habang kumakain ng breakfast, pumunta sa pantry si V, siyempre bilang ka officemate niya ay niyaya ko siyang kumain. "V breakfast tayo" ang yaya ko sa kanya. Isang malamig at monotonic na "NO THANKS!" ang narinig ko sa kanya. Ang dating sa akin ay pasuplado ang pagkakasabi, ni hindi man lang siya tumingin. Kung hindi ko lang siya kilala marahil ay iisipin kong bad mood lang siya nung umagang iyon, pero hindi. Sabi ko nalang sa sarili ko ay hindi ko na siya yayayain or kakausapin sa susunod.
Two years ko ng ka officemate si V. Tahimik, hindi pala kibo, hindi nkikisalamuha sa ibang tao sa office. May mga iilan tao lang siyang kinakausap sa office at hindi ako kasama dun. Mas nauna siya sa akin at until now ay hindi kami nag uusap. Halos lahat ng mga tao sa floor namin ay nakakausap ko at nakakabiruan pa maliban sa kanya. Kahit nasa iisang team lang kami, handi parin kami nagpapansinan. Minsan gusto kong malaman kung bakit ganun nalang ang pagkailang niya sa akin. Siguro dahil na rin sa hindi kami parehong approachable at nahihiya nag bawat isa sa amin ang i-approach ang isa't isa. Inaamin ko na hindi ako approachable, pero kapag kinausap mo ako kakausapin din naman kita. Yun siguro ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi kami gaanong naguusap.
Marami kaming awkward moments ni V. Minsan nagkakasalubong na kami sa hallway ay hindi pa namin makuhang magkatinginan at magpansinan. Hindi ko alam if ngingitian ko siya or babatiin sa twing kami'y magkakasalubong kasi hindi rin naman siya kikibo if babatiin ko siya. Minsan magksabay na kami sa jeep at magkaharap pa pero parang hindi kami magkakilala, siguro nag hihintayan kaming pareho kung sino ang unang kikibo sa aming dalawa. During lunch time naman, may pagkakataong kasama siya sa lunch out namin, lahat naman kami ay naguusap-usap at nagku-kwentuhan maliban lang sa aming dalawa. Minsan tuloy iniisip ko if napapansin ba nila ang pagkailang namin sa isa't-isa.
Gusto kong maging kaibigan si V, maging ka-close gaya ng pagka close ko sa ibang tao dito sa office. Feeling ko marami kaming mga bagay na pagkakapareho. Minsan gusto ko na siyang i-approach ng kusa pero hindi ko lang alam kung paano tyumempo at baka i-snob lang niya ako gaya ng ginagawa niya minsan. Gusto kong malaman kung anong tingin niya sa akin kaya lang hindi ko alam kung paano ko iyon sisimulan.
Minsan ko na ring sinabi sa sarili ko na "I will never like this guy!" Pero lately napapnsin ko na cute pala siya ( ayun naman pala eh hehehe) sa twing lalapit siyasa pwesto ko. Lagi ko na tuloy siyang pinagmamasdan kapag hindi siya tumitingin. Feeling ko nagiging intresado na ako sa kanya lalo na nung malaman kong ka-uri din pala siya.
No comments:
Post a Comment