Tuesday, June 15, 2010

GOODBYE PHILIPPINES , MARHABA DOHA!

Ilang oras na lang ang nalalabi ko dito sa Pinas (parang mamamatay lang eh noh?) at bukas ng madaling araw ako'y lilipad na sa bansang tutupad ng aking mga pangarap (good luck sa akin). Parang kahapon lang eh excited ako pero ngayon parang wala lang. Nakatulog din ako nang maayos kagabi at ang akala ko ay hindi ako makakatulog dahil sa excitement. Ayos na rin ang mga gamit ko, dalawang linggo na rin ang nakalipas simula ng mag-impake ako patunay lang na ako'y handang-handa na.

Bukas, ibang mundo na ulit ang aking tatahakin, mga panibagong pagsubok ang haharapin, ang masasabi ko lang ay sana makayanan ko ito. Bukas ako'y libo-libong milya na ang layo sa aking mga mahal.

1 comment:

  1. wow!im pretty sure andito ka na sa doha!sana maging ok at masaya ka din dito like the way i do.ingats

    ReplyDelete